11515K

1355165K

Tag Archives: white lady

Flippish Likers Share Their Most Terrifying Encounters With The Paranormal Part 2

Article

by admin

We asked flippish fans to tell their most creepy, disturbing and scary paranormal experiences and we list them down.  Be sure to not read these stories alone at night. Happy Halloween!

1. Roan Nato: Nangyari ito dito mismo sa bahay namin, 3 years ago. Pumunta ako sa bahay ng pinsan ko na katabi lang naman ng bahay namin then nag c.r ako. Habang nasa c.r ako patapos na ko nun saktong naka tingin ako sa gripo umikot ng mabilis at bumukas, ako naman hindi natakot kasi di ko pa naisip yung mga ganung bagay, pinatay ko ang gripo at lumabas na ng c.r at bumalik na ko kung nasan yung pinsan ko. Eto yung sa tingin kong medyo natakot ako kausap ko pinsan ko nang di ko sinasadyang mapatingin sa bahay namin naglalakad sa loob tatay ko na may nakasunod sa kanya na sa tingin ko babaeng nakalutang na nakasuot ng mahabang puting damit sobrang puti at sa tingin ko naka yuko siya yung buhok niya tanda ko nasa harap tapos hanggang tuhod tinuro ko sa pinsan ko wala naman daw pero ako nakikita ko eh ang ginawa ko pinuntahan ko erpat ko pero pag lingon ko wala na, tinanong ko erpat ko kung my kasama ba siya sabi niya wala. Di talaga ko naniniwala pero nakita ko na eh. Di ko nalang sinabe.

2. Rem Alcarde: 1st year student palang ako ngayon nangyari to nung kumuha ako ng dorm malapit sa school namin. Bago pa man kami makalipat dun sinabihan na kami ng seniors namin na kapag meron kami maririnig wag nalang daw namin intindihin. First night ko sa dorm matulog ngising ako nang bigla akong may narinig na naglalakad, yung lakad ng naka-stilleto tapos pabalik-balik lang siya sa labas ng room nmin.. Nung tingnan ko yung oras alas tres palang ng madaling araw .Yung dorm namin is made of wood kaya ngcri-creak siya at nasa 2nd floor kami. After ng gabi nun umuwi ako at bumili ng bracelet na beninditahan. Nagpaparamdam parin samin hanggang ngayon lalo na sa mga bagong studyante..

3. Angelo Erum Gonzales: Papunta ako sa tindahan, 150 meters ang layo mula sa bahay namin. Naglalakad ako sa dilim ng gabi, iisang poste lang ang madadaanan kong may ilaw mula samin hanggang sa tindahan. Doon sa may ilaw ng poste may naaninag akong matangkad na lalake na kulay itim lahat ng buo niyang katawan. Galing siya sa abandonadong bahay na hindi na tinuloy, at sa poste na yun ay merong malapit na creek/canal. Pumunta doon ang maitim na lalake; habang naglalakad ako sa dulong right side ng creek na dadaanan ko ay dun siya umupo. Nagtago siya sa tabi ng punso. Iniisip ko na kapit bahay lang namin yun at dahil gabi maitim na siya. Huminto ako,nilapitan ko ung pinagtataguan niya na tabi ng punso, yumuko ako at tinanong siya “uy! kuya bong?” wala siyang reaksyon, tinanong ko ulit at nilapitan ko pa ” kuya bong? bakit ka nagtatago diyan??”. Di ko maisip na magrereact siya na kasabay ang tawa ng demonyo . Sa isip at katawan ko, para bang hindi ko na narinig ang ingay ng sa mga kabahayan at parang natulala ako. Tumayo ako mula sa pagkakayuko at naglakad ng diretso na para bang hindi ako humahakbang at lumutang ako. Pumunta na akong tindahan at winalang bahala ko na yung nangyari kasi sanay na ako. Pagbalik ko mula tindahan, nandun na naman siya, papuntang abandonadong bahay. Di ko alam ang gagawin ko, wala akong choice kung hindi tumawid doon. Pagtapat ko sa poste na may ilaw may bumato sa akin ng bato, pero di ako tinamaan, tinignan ko sa taas pero yung paghagis niya ng bato ay malakas at palayo sa akin tapos nung tumapat na sa itaas ko sabay itong biglang bumagsak. Tumakbo na ako, pero binato niya ako ng bunga ng buko na maliit, sinlaki yun ng bola ng table tennis. Pinulot ko iyon sabay umuwi na ako. Kinuwento ko ung nangyari sa bahay pero parang wala lang sa kanila, kasi alam nila nakakaramdam at nakakakita ako.

4. Jeapee Labor Cafe: Nangyari ito last September 30 lang. Pumunta kasi ako sa province at talagang malayo sa tinitirhan ko na city. I stayed there for a personal reason. Di ako comfortable sa stay ko dun na tatlong araw kasi yung bahay masyadong maliit, wooden house lang siya yung pang probinsya talaga, tapos ang paligid ay palayan kaya medyo creepy at masyadong tahimik kapag gabi. I always make a joke sa kanila na baka may mumu dito. But sabi nila, meron talaga. So I laugh kasi I don’t believe. Yung mga nakatira doon sa bahay ay umatend ng kasal, so meron akong binantayan na buntis, kasi siya lang mag isa baka mahirapan siya. I always joke “auntie, merong mumu dito! Hahaha!” Then she said, “meron..” and I replied “Ehhh?!” I sarcastically laugh. Then she told me that the other day before I came, the son of the owner of the house saw something supernatural, an old guy who has a long hair and smiled at the kid na parang hinaharang niya yung bata papunta sa CR kasi nagising yung bata dahil naiihi siya tapos yun ang nadatnan niya. Nagising daw sila nung gabing yun mga 3 am dahil yung bata iyak ng iyak na nanginginig, di nila alam kung ano nangyari. Then his father ask “Ano nangyari?…” pero di makapagsalita ang bata, so nilapit ng ama ang kanyang ulo sa bata, at pabulong na sabi ng bata “Nakakita kog tiguwang na nagngisi sa ako sa pultahan na hadlok kaayo ug nawong.” Or in Tagalog “May nakita akong matanda na ngumingiti sa akin sa may pintuan na pangit ang pagmumukha.”  He was like ordinary human ang image pero sa sinabi niya parang demonyo raw ang mukha. Simula nung gabi na yun ayaw na ikwento nung bata ang nakita niya dahil sa takot. But still, Ghosts are digital in 2014. Kaya di parin ako convince sa batang 6 years old. But, nung umuwi na yung may ari at mga anak nila mga around 12 yata sila dumating ng madaling araw, nagsipuntahan sila sa kanilang kwarto and I was left alone sa sala, dun lang kasi malapit ang charger ng phone. Mga 2 am na yun, tulog na silang lahat. I was about to go to sleep while facing the corner. When I closed my eyes, may narinig akong anlakas na hinga sa likuran ko. I was thinking, “Ano ba to? Bat may tatabi sa akin. Wala nabang space ang kwarto? Pero impossible na makakatabi agad siya sa akin nang di ko namamalayan. The house is made of woods malamang maririnig ko yung cracking sounds kapag lalakad. Pero I was really confused. The thing is I tried to confirm it kung meron ba talagang tao sa likod ko. Inobserbahan ko yung paghinga niya for almost a minute, habang tumatagal mas lumalakas, I covered my ear using my arm, but the result was it became more louder dun na ko lumingon para magreklamo na sana ako dahil masyado siyang malapit sa akin. Pero pag lingon ko WALA AKONG NAKITANG KAHIT ANO. I completely froze. Napatunganga ako habang nakatingin sa likuran ko. It’s like, what the hell did just happened and what the hell was that? I immediately called my aunt na merong huminga sa likod ko, and then she told me. “Sabi ko sayo eh. Meron dito.

5. Yonjiro Palmes: Nangyari ito August lang nang bumisita ako sa tito ko cavite. Ang kwarto namin ay nasa baba ng printing shop nila at ang bhay mismo ay nasa taas ng shop. 3 kami sa kwarto ako si Bert at Jr.. Medyo malaki kwarto namin may isang double deck at lababo at cr.. Si Bert ang nasa taas ng deck at kami ni Jr magkatabi sa baba. Ang likot matulog ni Jr nanghihila ng kumot kahit tulog at yumayakap!! Eh ako naman usog lang ng usog hangat merong mauusugan. Saturday night nauna ako mtulog sa kanila.. Mga pass 12 am gising ang diwa ko at may humihila ng kumot at yumakap sakin.. Paungol ko pang sinabi..” pre usog nga ” at biglang parang umusog ng kaunti ang higaan namin.. Sa isip ko si Bert yun dahil siya ang natutulog sa taas ng higgaan, maya-maya biglang may kumatok. Nang binuksan ko, sila Bert at Jr! Bigla akong kinilabutan, hindi na ko nakatulog sa mga oras na yun, kinaumagahan kinuwento ko sa kanila ang nangyari.. Sabi nila may bata at isang babae daw na nagpapakita at pabalik-balik sa shop at kwarto namin, dahil ang lugar daw na pinagtatayuan ng bahay nila ay dating tapunan ng mga bangkay noong panahon ng hapon.

6. Desiree Mae Angot: Nangyari ito mga 3 months ago,  IT student ako at madalas mapuyat lalo na kapag gagawa kami ng programs. May alaga nga pala akong pusa ang pangalan ay Nijo kasama ko siya pag gumagawa ako ng program.  Umuulan nun ng malakas, pagitan ng 2-3 O’clock gumawa ako ng project at katabi si Nijo, tulog na mga tao sa bahay sa oras na iyon.  Nasa sala ako ng mga oras na iyon, bigla nalang akong may narinig na boses sabi “ikaw!!” yung bang creepy na manipis na boses, dinig na dinig ko yun pero di ko nalang pinansin. Ilang minuto at pumunta ako sa kusina para kumuha ng ma-iinom. Nakita ko si Nijo at dalidaling kinuha at bumalik kung saan ginagawa ko ang aking project. Iniisip ko kung sino at saan ba nanggaling yung boses kanina, pinagtawanan ko nalang ang aking sarili kasi maaaring ilusyon lang ng aking malikot na isipan. Habang nagta-type at malapit nang matapos ang aking project bigla ko ulit narinig yung “ikaw”, kaparehas talaga nung una kong narinig ang higit ko pang ikina-takot ay gumalaw yung tenga ni Nijo kung saan patungo yung tunog aaminin ko kinilabutan ako sa sobrang takot di ko na natapos yung konting i-tytype ko. Dumiretsyo ako sa kwarto at humiga gusto ko na talagang matulog ng biglang may parang tumakip sa aking mga mata pero wala akong kamay na naramdaman yun bang parang biglang nag black-out ang aking paningin o panandaliang pagka-bulag ng mata. Ilang segundo ay nakakakita na rin ako at nakatulog nalang, ako lang mag-isa ang natutulog sa aking kwarto ng gabing iyon sa aking pag-tulog nangyari ang hindi ko inaasahan yun ay ang di pagka-galaw ng katawan “Nightmare o’ bangungot” pinipilit kong gumalaw pero di ko talaga kaya ng biglang mayroong boses akong narinig di ko naiintindihan kung ano ang sinasabi nya pero sa tingin ko ito ay parang ritual, boses matandang babae nung bigla na kong nakagalaw habang pinagsasabi ang mga salita na di ko naman naiintindihan, lumakas ang loob ko para sipain yung wall o harang kung saan nang-gagaling ang boses. ilang segundo ay nawala yung boses, lumabas ako ng kwarto para maghintay nang mag umaga tiningnan ko ang oras 4:50am na pala nakahinga ako ng maluwag at pinag-patuloy ko ang aking ginagawang project.

7. Yonel RoSal: Nasa lahi namin ang may third eye, kaya simula pagkabata hanggang ngayon nakakaranas ako ng mga nakakatakot na karanasan, minsan di ko na rin pinapansin nasanay narin kasi. Siguro mga 9 yrs old ako nun,  habang natutulog ako may nakita ako na isang babaeng nakaputi galing sa kusina papunta siya sa sala. Napansin ko na papalapit siya sa kwarto namin na kurtina lang ang takip, napansin ko na tumingin siya at hinawi nya yung kurtina, sumilip sabay dumiretso na siya papunta sa sala namin.  Yung time na yun tumayo ako sa aking kinahihigaan tapos sumilip ako sa sala, doon natutulog yung lolo ko napansin ko nakatingin siya sa lolo ko natatakot na ako kaya sinubukan kong bumalik sa higaan. Pagtingin ko sa hinihigaan ko nagulat ako kasi yung katawan ko nandun at natutulog. Akala ko dati nanaginip lang ako pero ayon sa mga kwento ng mama ko lola at mga tita haunted yung bahay namin simula noon nagsimula na yung mga pagpaparamdam sa akin, may nakikita akong dalawang bata na nakabihis ng pampatay, anino na naglalakad sa gabi at yung mga kasangkapan nagliliparan tuwing hating gabi.

8. Gerwin Cadorna: 2009 first year high school ako nun sa probinsya namin sa lanao del norte. Around 9 pm galing ako ng school late na ako nakauwi kasi tumambay pa ako sa bahay ng kaklase ko. Malayo layo pa yung bahay namin dun sa bahay ng kaklase ko, mga 10 km. pa yung layo. Nung time na yun wala na ako masakyan kasi gabi na ganun kasi sa lugar namin pag tungtong ng alas 6 ng gabi wala ng makikitang tao na palakad-lakad sa lansangan kasi nakakatakot sa lugar namin andaming mamatay tao, gaya ng mga adik na muslim at mga MILF. That time wala pang kuryente lahat ng bahay sa probinsya, i decided na maglakad nalang pauwi sa amin. On my way home sa isang madilim na daan maraming malalaking bato, nung una di pa ako natatakot kasi sanay na ako dumaan dun, that time nung pag daan ko may parang weird na tunog na parang nag pupokpok ng bato at umiiyak na babae. Tumingin-tingin ako nun sa likod at paligid ko baka may tao lang na sumusunod skin, pagtingin ko wala. So binaliwala ko siya pagdating ko sa may unahan, bumalik yung babaeng umiiyak at yung nagpupokpok ng bato. Tumingin ulit ako sobrang kinakabahan na ako pawis na pawis na ako at halos madapa na sa takot, kasi wala talagang tao na nakita ko sa aking paligid. Tumakbo ako ng mabilis, pagdating ko dun sa may kabilang baryo tinanong ako ng mama kung bakit daw ako naglakad mag-isa dun sa may batuhan, sabi nya delikado daw dun at marami nang tinapon na patay doon at marami nang nirape na babae tapos kinwento ko sa mama yung narinig ko at sinabi niyang “dong alam mo sa lugar na yan walang dumadaan pag gabi kasi andaming nagpapakita at nagpaparamdam dyan, isa n dun yung anak kong dalaga na nirape ng mga muslim dyan”.

9. John Threesixteen: Batangas ang province namin sa Tingloy. Island yun kaya by boat para makapunta. First time namin mag undas sa batangas kasama ang friends ko for vacation na din. Ang nakasanayan sa probinsya is umaga or tanghali dadalaw sa sementeryo kasi sasakay pa ng boat papuntang sementeryo. We decided na bumisita ng lunch time, doon kumain, mag-swimming at siyempre uminom na din. Unti unting naubos ang tao. hanggang sa 4pm na at lasing na kami, naisipan naming ikutin ang lugar which is may daanan at labasan sa kabilang side. Nagtatawanan kami, naglolokohan. Sumuka ang dalawa naming kasama. Na una yung lalaki at sumunod ang kasama naming babae. Habang hinihintay namin siya ay bigla nalang nagsisigaw at tumakbo papunta samin. Merong dalawang putol na kamay daw siyang nakita. May dugo at halatang kakatapon lang or kakaputol lang. Nagtawanan kami imbis na mag-alala . “Andyan pa ba kamay mo?”..Tumigil kami dahil nag-iiyak na ang kasama namin. Kaya pinuntahan namin. Nakita namin na totoo pala ang sinasabi niya. Nawala tama namin, sariwang sariwa pa nga yun. Nagsilapitan pa ang mga aso. Apat na aso,  sabay umalulong pa yung isa, ntakot kami. Tumawag kami sa tatay ko nagsumbong at sila naman ang tumawag ng barangay. Nasa seashore kami at nghihintay sa takot after 15mins dumating sila. Dito nagsimula ang kalbaryo. Sa 30mins nilang pag-uusisa wala ni isang makalapit, kahit yung mga aso. Gumagabi na around 5:30, hindi sila makalapit dahil sa nangyari. “Bat ga ho takot na takot kayo?” Tanong ko sa mga tanod. “Abay Iho! Nakakakilabot ga naman doon. Abay lahat Ay takot eh, at wala sadyang makalapit abay yung kamay na iyon ay nananampal eh. Tatalas pa ng kuko..” Sagot nila.

10. Lovelie Salceda: That time magkasama po kami ng bf ko sa house nila at nasa kwarto po kami ni bf. Kami lang po ang tao nun and then una habang kumakain kami ni bf laglag ng laglag ung tinidor niya kahit pinapatong naman niya ng maayos sa plato. Habang kumakain sya ako naman po ngseselfie sa likod niya at yung pagseselfie ko po is yung gamit ko mirror at dun ko itatapat sana sa mirror yung cam para makita yung face ko sa mirror. Tapos nagpicture nako pero biglang tumingin sakin si bf ako naman nahiya kaya ung mirror na hawak ko tinapat ko po s iba and then biglang nagcapture yung cp ko. Kaya nung tiningnan ko po ulit yung napicturan ko laking gulat namin ni bf kasi dito sa picture may lalaki sa likod namin eh ang nasa likod lang namin ay pader na kulay puti at walang nakalagay na gamit. Kaya kinilabutan po ako nung tingnan namin itong napicturan ko. Kaya pala panay hulog ung tinidor ng bf ko kasi may nagpaparamdam pala sa kwarto ng bf ko.

10690084_880373445330881_8896116629367160611_n

11. Francis Estupin:  Last Septermber 2013 pa ito pero unforgettable. Around 2-3PM in the afternoon tapos nag-aagaw tulog na ako yung tipong yung mata ko papikit na sa sobrang antok then hindi pa naman totally close ung eyes ko, then naaninag ko si Mommy ko pumasok sa kwarto ko nakaputi sya. Gusto ko sana tanungin kung saan siya mag-aanak ng binyag kasi dba kalimitan pag ganyang okasyon white ang suot. Thenwhen im about to speak to ask, hindi ako makapagsalita, tapos almost 2 minutes din akong di makahinga na parang may nakadagan something na ubod ng bigat. Gusto ko sumigaw pero hindi ko kaya, gusto ko din ikilos braso ko hindi ko din kaya. Tapos utak ko lang gumagana puro lang ako “Lord God” the whole time na hindi ako makasalita/kilos. Then after hindi ako makabangon para tumakbo sa labas ng kwarto sa sobrang pagod at hingal ko. Nung kaya ko na tumayo Bumaba nako ng hagdan siguro na tatlong hakbang ko lang sa sobrang bilis ko tapos pag dating ko sa baba si Mommy nasa baba naka blue nagwawalis. I think yung naaninag kong nakaputing pumasok siguro white lady? First time yan kaya di ko makakalimutan.

12. Dm Alagano: Bibisitahin ako ng kaibigan ko samin. medyo gabi na nun kaya sabi ko sunduin ko siya sa gate ng village namin. Habang nag aabang ako, may nakita akong jeep na huminto, may bumaba babaeng maputi, naka ayos at mahinahon gumalaw. Ganung ganun ang itsura ng kaibigan ko kaya nilapitan ko na. Habang papalapit na ko. Bigla na lang nawala yung babae, natakot ako at bumalik dun sa lugar na matao.

13. Ding Lontoc Riano: Nag umpisa ito sa aking pinagawang room na halos hindi ko naman gaanong natutulugan dahil madalas ako matulog sa inuupahang apartment ng asawa ko isang beses sa isang linggo lang ako matulog kung minsan ay hindi pa. Hangang sa umuwi ako ng maaga sa aking bahay at habang akoy natutulog pakirmdam ko ay may nakapatong sa aking dibdib, sa sobrang bigat napadilat ako at ng maimulat ko ang aking mata nakita ko isang matabang babae na nakaputi at pula ang mata at magulo ang buhok ang nakatingin sa akin sabay bangon ako at pagapang na lumabas sa room at sinabi ko sa aking ina ang aking nakita, pero hinayaan ko nalng dun nag umpisa yung mga bagay na hindi maganda dahil takot na ko hindi nako natutulog.  Lumipas ang ilang buwan na hanggang ang kapatid ko ay umuwi galing kuwait at dun siya natulog sa room at ako naman ay sa aparment ng asawa ko alas dos ng umaga hindi ako makatulog tila bang may kakaibang mangyayari, hanggang sa may kumatok nang aking buksan ang bunso kong kpatid na takot na takot at sinabing sinaniban yung kapatid kong kauuwi lang. Nung kinausap ko ang sumaping masamang espirito ang tanong ko sa kanya ikaw ba yung nakita ko sa room ko. Ang sagot ng sumanib sa kapatid ko “OO AKO YUNG NKITA MO!”. Tinanong ko ulit siya, “anong ginagawa mo sa room ko?” ang sagot niya “PINAG MAMASDAN KITA HABANG NATUTULOG KA!” at doon ko narealized na may kasama pala ako sa kwarto ko na taga ibang dimensyon nakakatakot kaya nagpasya kami na ipa-blessing yung room at pinagiba ko ang aking room, kwinento rin ng mga kapitbahay namin na may nakikita din pala silang babae sa may bintana.

14. Maria Aulyn Hiso-an: Almost 8 to 9 yrs. old ako nun. Ginising ako ng itay para mag-saing na, mga 3-4 ng umaga yun kasi magsusundo pa kami sa airport. Tulog ang kapatid ko nun , sobrang himbing niyang matulog hindi ko sila magising kaya ako nalang nag-saing at nagluto rin ng pagkain namin. Nung pumunta ako sa may kusina, nag-aayos ako ng mga panggatong at pagkatapos nun naghugas ako ng mga pinggan. Habang naghuhugas ako ng pinggan eh biglang may nakita akong white lady sa labas na walang ulo saka maraming dugo. Maya-maya napansin ko nalang bigla na may katabi pa itong matandang lalake na nakaupo at duguan din. Nakatingin silang dalawa sa akin. Bigla akong tumakbo sa loob ng kwarto namin ng kapatid ko. Bigla ko siyang ginising at sinabi ko sa kanya kung ano ang nakita ko pero hindi siya naniwala sa akin at natulog nalang ulit. Di ko mapigilan ang sarili ko na matulog nalang kaysa naman na tapusin ko yung paghuhugas ko ng pinggan. Sobrang takot ko eh di ko na ginawang mag-saing ng kanin namin at di na rin ako nakapagluto ng ulam, nung nakauwi si itay ay kwinento ko ang nangyari at bigla niyang ikiniwento sa akin na ang matandang multo na yun eh pinatay daw at nakulong, mga ilang araw na nasa kulungan yung matanda eh nakita daw ng mga taga bantay dun na sadyang nag-suicide yung matanda.

15. 윤부미: Noong nag bakasyon kami. May dala po kaming sasakyan at ang daan ay rough road papuntang bundok, para mag camping may kilala kasi kami doon. Pag dating namin doon, bandang 4 pm tatlo yung pagpipilian sa daan na parang crossing. Sabi ng kakilala namin e puro kaliwa lang daw dumaan. 20k yung pagitan ng lungsod papunta sa kanila . Doon nga kami sa kaliwa dumaan, mga 20 to 30 min kaming nag-bibyahe pero nagulat kami nang bumalik kami sa crossing na yun. Nagtaka yung tito ko, sabi naman ng cousin ko parang hindi naman yan katulad ng daan na dinaan namin kanina. Kaya kumaliwa ulit kami, mga limang beses namin dinaan yung daan na yun hanggang may nakita  kaming nag lalakad na tao.. Nag tanong si tito kung tama ba dinadaanan namin pero hindi siya sumagot at nginitian lang kami.. Kaya lumarga ulit si tito, pero paubos na yung fuel namin kaya kinargahan muna ni tito yung sasakyan. May reserve oil palagi kaming dala para kung kapusin may pagkukuhanan kami.  Paputol putol din yung signal namin kaya di namin matawagan yung kakilala namin.  Nung nakatsempo kami ng signal may na-receive ako na message galing sa kakilala namin  “saan na kayo? ” sabi ko ewan parang naliligaw ata kami dahil paikot ikot lang kami eh, mga past 7 pm na yun nandoon padin kami sa gitna ng kakahuyan. Mga ilang minuto lang naabutan kami nung taong pinag tanungan ni tito kanina, sabi niya “Sa kanan ang labasan..” pero sumagot si tito na “Sa kaliwa kami pinapadaan ng kakilala namin” nag-salita ulit siya.. ” Huwag kayo maniwala sa mga nakikita ninyo, ang kabaliktaran yun ang daan “. Doon naniwala na si tito. Kaya dumaan kami sa kanan. Mga 30 to 40 min na biyahe, may motorsiklo na kaming nakita kakilala pa namin.. Sinundan namin siya at nakarating din kami sa paroroonan namin. Sabi niya may mga engkanto daw na naninirahan sa gubat at pinaglalaruan yung mga bagong dayo pero wala naman daw silang sinasaktan.

16. Russel John Villanueva:This happened during my birthday celebration it was December 30, when i went to my room to get my slippers, something very creepy happened, the wind blows very cold and the lights were off. When i turned on the lights it began, something called my name 3 times “Russel.. Russel.. Russel”  and i looked around but there’s no one there i thought that it was my friend that is trying to scare me but i recognized the voice, it was from my grandfather who passed away just a week ago. Then i told my mom the story, later after my birthday in the kitchen, it happened again my name was called again that time it was 5 or 6 times, my whole body started to tremble i don’t know what to do that time. This is the creepiest story in my whole life that i will never forget.

17. Kieth Sàntiagô: Nag outing kami sa tagaytay gabi na nun mga 10pm, pumunta ako sa dagat at nag lalaro ng buhangin nang biglang may tumawag sakin, tumayo naman ako at tumingin sa likod wala nman akong nakitang tao at umupo ulit ako nang biglang may humawak sa likod ko, bigla akong napatayo yun pala ay si mama tinatawag akong kumain. 12am na nung bumalik ako sa kubo para matulog pag pasok ko sa kubo walang tao at tahimik nakapatay ang mga ilaw diretso naman ako sa kama para matulog at kinuha ang cp para icharge, papikit na ako nang may narinig akong tunog sa labas parang may bumabato. Tumingin ako sa labas at wala naman, muling bumalik ulit ako sa kama para matulog nang may narinig ulit akong bumato mga tatlong beses. Hindi ko na pinansin nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko sa kubo, dali-daling kinuha ko ang kumot at nag taklob, bigla namang bumukas ang ilaw sabi ko baka si mama yun at mga kasama namin pag tanggal ko ng kumot biglang sumara ulit ang ilaw.  Dali-daling lumabas ako sa kwarto nasabi ko baka imagination ko lang yun biglang pag talikod ko may narinig akong nagsalita “Samahan mo ako mag-laro” kinilabutan ako tumaas ang mga balahibo sabay punta sa kwarto nang dahan dahan ang lakad sabay higa at natulog nalang.

18. Sherald Yabut Sabalo: Nangyari ito nitong nakaraang gabi lang. Mula kasi nang bata ako kung ano-ano na ang nangyayari sa akin. Kagabi habang natutulog ako ay meron akong itim na nilalang na nakikita na pasilip-silip sa aming pinto. Di ko maipaliwanag kung ano ito ngunit may mata ito at nakatitig sa akin. Alam kong di ito normal sapagkat nakikita ko lang siya kapag nakapikit ako. Pero kapag naka-dilat ay wala ito. Na realize ko na di to normal nung muli ko siyang silipin sa pinto ay wala na ito. Halos mamatay ako sa takot nang makita ko na siyang nakadagan at tila naka-upo sa aking dibdib.. Di ko maigalaw ang aking katawan. Sa sobrang pag pipilit ko ay halos magwala ako para lang maka-galaw sa pagbangon ko saka lang ito nawala.

19. Ocsicnarf Santos:Isang gabi humarap ako sa salamin ng aparador at nakita ko sa may left side ang sarili ko at iba ang suot niyang damit pero damit ko din yun. Pero nakatayo siya sa may pinto. Kinilabutan talaga ako sobra.

20. Rocky Jason Mirasol: Nangyari ito nung mga bata pa kami ng mga kapatid ko at mga pinsan ko. Nangyari ito sa bahay ng tita namin. Isang gabi naglalaro kami sa kwarto ng tita namin kasama ng mga kapatid ko alas otso ng gabi. Habang sila tita at mama nanunuod ng tv. Bigla nalang merong babaeng nagliliwanag at may hawak na kandila na malakas ang apoy at dumadaan sa may bintana. paulit-ulit lang siya pabalik-balik hanggang matapos kami mag-laro. Hindi ko paliwanag ang itsura niya dahil may salamin sa bintana.. Akala ko normal lang yung nakikita ko at may mga kasama ako kaya hindi ako natatakot. makalipas ang isang linggo nag-away ang mama at papa ko kaya napilitan ang mama ko na magpalipas ng galit nya sa bahay ng tita ko.. Siguro mga one week din kaming tumuloy sa kanila. Pumasok ako mag-isa sa kwarto isang gabi. Nag-aagaw palang ang liwanag at dilim nang nakita ko ulit yung babaeng nakaputi at may hawak na kandila. Gaya ng dati di ako natakot kahit ako lang mag-isa at nasa labas lang naman siya ng bintana. Sa pagkakataong iyon ay naging seryoso n ako kung sino o ano ba talaga ang aking nakikita.. Pumunta ako sa likod bahay nila para tingnan pero nagulat ako dahil walang tao dun. Tumakbo ako ng kwarto at nakita kong nag lalakad ulit siya sa labas. Medyo natakot n ako sa pag kakataong iyon.. Pag-uwi ng pinsan ko sinabi ko sa kanya ang nakikita ko.. Nagulat ako sa sagot niya” Oo Jason nakikita ko din yun palagi..”.  hanggang sa lumipas ang madaming taon di ko  na siya nakita pero noong 16 yrs old na ako bumalik siya at lumipat na sa mismong loob ng bahay nila. Madalas n siyang magpakita sa pinsan ko . Doon siya lumalabas at pumapasok sa lumang kabinet na may malaking salamen sa kabilang kwarto.. Naisipan nilang ipamigay nalang ito para gawing pang gatong at makalipas ang dalawa pang taon ay naibenta n rin nila ang bahay.

21. Wen Kanu Faklayen: Pagkatapos lang ng sembrake namin ginabi ako dahil kasama ko mga friends ko mga 7:00 ako nakauwi. Tapos sa paglalakad ko may nakita ako na parang matandang lalaki na pumapatay ng isang bata. Kaya napa takbo ako pa-uwi. Tapos sa kaumagahan pumunta ako sa pinang-yarihan ng incident tapos nakita ko walang dugo na natira. Nung pumunta ako sa bahay ng classmate ko, dun bigla kong nakita yung matanda na may hawak na kutsilyo na sobrang laki at puno ng dugo.

22. Yugi Roxas Asong: This happened mga 12 Years ago. Mahirap pa kami nun wlaang t.v kaya nakikinuod lang kmi ng t.v sa kapitbahay,, Yung kapitbahay namin may kubo na malaki tapos may bilyaran sa gitna..Yung bahay nila nasa harap ng kubo.. mga 9 na siguro ng gabi nung umuwi ako. Madadaanan ko talaga yung kubo, madilim noon pati sa kubo walang ilaw pero open naman siya na klase ng kubo.. Nung malapit na ko sa may kubo may naaninag ako na parang tao.. Nung mismong nasa harap na ako ay napatigil talaga ako at di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Isang hugis tao pero hugis kabayo ang paa niya.. Sumigaw ako ng malakas kaya lumapit yung kapitbahay namin na may-ari ng kubo.. Nakita niya rin Yung nakikita ko.. Hinila niya ako papasok ng bahay nila. Tinawag niya mga anak niya saka asawa tapos binalikan namin, pero wala na siya. Next month nalimutan na namin yung insidente. Mga 11 naman nangyari ito madami na kami kasama mama ko mga ate ko tapos yung kapitbahay namin .. Hinatid kami hanggang sa malapit na kami sa kubo. Nakita na naman namin siya nakatihiya sa bilyaran.. Nakaharap sa amin. Napa-atras kami lahat ng bahagya.. Then mga 1 min bumalik kami lahat nawala siya na parang bula.. Iisa lang naman dadaanan niya kaya makikita namin siya kung lalabas siya ng kubo, pero di talaga namin nakitang lumabas. They say tikbalang daw yun. May nagmamayari raw na tao. After ilang months nagkasakit yung anak ng kapitbahay namin bigla na lng lumaki yung paa niya ilang months pa binawian siya ng buhay. Sabi nila yung tikbalang daw yung may gawa.

23. Anne Paras: Nangyari to this year lang din.. Experience ito ng kapatid ko pero involve din ako. Graveyard shift ako that time at ang tulog ko ay sa araw.. Natutulog ako noon sa kwarto tanghali nun at ang kapatid ko nasa pinto ng kusina na ang katapat na pinto ay c.r.. Nakaupo ang kpatid ko mismo s semento habang nakikipagkwentuhan siya sa nanay namin nakita nya daw ako na pumasok sa c.r, ang sabi pa daw niya gising na ako.. Ugali ko kasing ginigising pa bago bumangon.. Pero bigla siyang nagtaka nang makita niya ako sa kwarto na tulog na tulog.. Kwinento niya yun sakin at kaparehong kapareho pa daw ng suot ko ang suot nung babae na pumasok s c.r. Natakot ako pero naisip ko hindi din naman ako nakakakita kaya hinayaan ko na lang..

24. Mark Joseph Manalo: 2004 nangyari sakin itong kwentong ito dati po akong sakristan sa simbahan dito sa Dasmariñas Cavite nagpa-praktis kami ng serve para sa gaganaping high mass kasi nov. 1 na kinabukasan, nang napansin namin na tumutugtog yung sirang organ sa simbahan at biglang nagsibukasan lahat ng mga electric fan at nakatutok lang sa amin at hindi nagalaw sa sobrang takot namin pumasok na agad kami sa kumbento at nagsi-uwian na!

25. Danreeb Ocumen: It happened on June 24, 2010, between 2 and 3am. Naglalaro ako ng dota nun. Yung desktop namin ay  nakapwesto malapit sa pinto ng kusina. Tapos biglang nanlaki ulo ko and may dumaan na anino sa gilid ko..Hindi ko lang pinansin at baka kako dahil lang sa liwanag ng screen ng computer. So i continued playing. After several minutes natapos na yung game. Humirit pa ulit ako ng isang game. Habang naglo-loading napalingon ako sa pintuan ng kitchen namin, biglang may tumakbong shadowy figure; dalawa, isang matanda at isang bata. Sobrang kilabot ko nun. May sumunod pa sa kanila na isang malaking shadowy figure din, pero kitang-kita ko detalye nung kasunod. It has a body of a man but meron siyang balahibo, then yung lower part is like a bull hind legs and feet. Tapos may horn siya and it looks like a goat horn (yung papunta sa likod yung tubo) and it was carrying a ball chain.  Dinig na dinig ko yung yabag and ang bigat ng pakiramdan ko yung feeling na mainit pakiramdam ko, and i feel restless, i feel pain, i feel sad basta halo halo naramdaman ko. Kala ko namalikmata lang ako nung nakita ko yun so sinundan ko ng tingin and nakita ko siya totoo siya then bigla nawala. Ginawa ko hinugot ko agad yung power supply ng computer saka ako tumakbo sa kwarto ko and nagtalukbong ako..

26. Romel Glino Corpuz: Nangamoy samguita alas dose ng madaling araw ng Nov 2.

27. Joe Marie Otero: Nangyari ito nang nasa grade 2 pa ako. Nasa iloilo ako nung time na yun dahil dun ako nag elementary at yung bahay namin nun dati walang sariling tubig kaya pumupunta pa sa malayo yung tita ko para mag-igib dahil ang mama ko nasa manila nagtatrabaho. Tuwing madaling araw nag-iigib yung tita ko at nung Monday ng madaling araw gumising yung tita ko para mag-igib ng tubig mga bandang 2 am yun at katabi ko kasi siya sa pag-tulog at nung naramdaman kong wala na akong katabi nagising ako pero wala na siya. Madalas kasi kapag naaalimpungatan ako tumitingin ako sa bintana at pintuan kahit na natatakot ako. Sa sahig lang kami natutulog at nung tumingin na ako ng pintuan, may lalaking nakaupo sa bandang uluhan ko! Ang puti niya, at nakaputi rin siyang damit at yung mukha niya parang normal na tao lang pero yung mata niya parang butas lang na parang tinanggal. Agad-agad akong nagtakip ng mata at nagtakip ng kumot, maya-maya tumingin ulit ako pero nandun parin siya. Napansin kong di siya sakin nakaharap kung hindi sa kuya ko na nasa kabila. Nasa gitna kasi namin yung tita ko.. Nagtakip ulit ako nun ng kumot, naiiyak na ako nun pero pumikit lang ako at pinilit kong matulog pero di ako makatulog dahil pakiramdam ko andun parin siya. Tapos biglang bumukas ang pinto pero di parin ako tumingin di ko talaga matiis kaya sumilip ako sa kumot, tita ko na pala yung dumating kaya naka-hinga na ako ng maluwag at nakatulog ulit.

28. Crimson Ashley Mangaban: Noong 13 yrs old ako lagi ako nagigising ng alas tres ng madaling araw tapos lalabas ako para umuhi, then habang umiihi ako may naramdaman akong malakas na hangin na nang galing sa kanang bahagi ko then nung napatingin ako may nakita akong babae medyo matanda naka pula, inakala ko na kapit bahay namin pero nung nakita ko na tumagos siya sa pader bigla akong kinilabutan at dali dali na tumakbo pauwi at hindi maka-tulog sa takot na mangyari ulit yun.

29. Andrew Salvador: Nagising ako nang may narinig akong katok sa kwarto. Akala ko may gustong pumasok sa loob kasi naka-lock. Pero nung patayo nako at medyo naalimpungatan medyo malakas yung katok. Saka ko na realize yung naririnig kong katok.. katok sa loob ng pinto mismo ng kwarto ko pero wala akong ibang nakikita.

30. KnightDaren Rukiya: Nangyari ito year 2009. Na curious kasi kaming mag-pipinsan na maglaro ng SPIRIT OF THE GLASS, inisip kasi namin kung totoo  ba talaga ito. Gumawa kami nito gamit ang isang illustration board at isang lumang baso. Mga 7 kami noon na mag-pipinsan na naglaro noon. Ginawa namin yun sa second floor ng bahay mga 4pm. Sinarado namin lahat ng bintana at pinto hanggang sa kandila nalang yung nagbibigay ilaw sa kwarto. Umupo kaming lahat sa sahig ng pabilog habang ung board ay nasa gitna. Ako ang nag lead ng prayer. Umpisang subok namin hindi gumana, pero nung pangatlo na dun na nagsimulang gumalaw ang baso. Yung galaw ng baso ay PAIKOT habang pumupunta sa bawat letra. Andami naming nakausap na spiritu pero may isang di namin makakalimutan. Masyado siyang aggressive.. Kung ano ano ang sinasabi. Ayaw niyang umalis. Patuloy lang gumagalaw yung baso. Dinasalan na namin pero ang sinasabi niya lang habang kami nagdadasal ay “SO?” “HA?”. So tinanong siya ng pinsan ko, “ano bang kailangan mo?!!” Galit na tanong. Sabi niya “RIP” sabay namatay ang kandila namin. Sobrang dilim pero yung baso patuloy lang sa pag-galaw. Sigaw kami ng tulong dumating ung auntie namin may dalang ilaw. Nadatnan niya kaming todo ang hawak sa baso para di na gumalaw. Tinulungan niya kami hanggang sa siya na rin nagtihaya ng baso. Di namin namalayan 10 na ng gabi. Pagbaba namin bigla akong nahilo at nakakarining ng sumisigaw na lalaki. Nagdasal ako with my dad hanggang sa naging okay na ko. Magmula noon pinangako ko na di na ko ulit susubok maglaro ng spirit of the glass. At napatunayan naming totoo pala siya.

31. Paul Montaña: Nung 14 po ako may dumaan na parang shadow na mabilis sa harap ko papuntang kwarto ng pinsan ko at sinundan ko ito kasi kala ko nanay ko na kukuha ng unan lang sa kwarto ng pinsan ko at nung binuksan ko flash ng cellphone ko at inilawan ko yung kwarto ng pinsan ko, walang katao-tao tiningnan ko na ilalim ng kama ng pinsan ko, likod ng cabinet and likod ng pinto wala akong nakita.

32. Jason Raza Noong bata pa ako pumunta kami ng mama at papa ko sa Marinduque at doon pinuntahan namin ang lolo kong namatay.Nung paalis na kami ng magulang ko para pumunta na sa RORO, dumaan muna kami ng magulang ko sa bukid. Biglang may humawak sa kanang balikat ko at humiyaw ako sa takot. Narinig ko ang takbo papalayo na tunog takbo ng kabayo.

33. Ace Dela Cruz: Yung bahay namin tito ko gumagawa. Sa kasamaang palad may nangyari sa kanya, na-saksak siya sa malayong lugar at namatay hindi  nya na natapos ang bahay. Tapos nung na burol na siya di ko man lang nasilayan ang mukha niya sa kabaong paborito pa naman ako nun. Tapos nag-wish ako na wag kami pabayaan at ilayo kami sa kapahamak at lagi niya kaming babantayan. Dun na nag-umpisa horror talaga, pag katapos niyang malibing. Kahimbingan ng tulog ng lahat, ako lang ang nagising nag-tataka ako kung ano yung naririnig ko may nag-papala yung alam mo yung tunog nung nag-hahalo ng buhangin at ng semento. Mga 1 to 3 ko yun naririnig hindi lang yun nung mga sumunod na gabi nag-lalagari naman natakot ako. The next day nag-brown out nakita ko anino ng tito ko hindi ako nakaimik sa dilim, grabe anino talaga ng tao. Hindi na ako nag salita baka kasi pumunta sakin.

34. Blaisdell Ramirez Caloyloy: Nag-tatrabaho ako sa isang fast food chain baguhan palang ako schedule ko nun pre-closing doon sa taas ng store namin. Kapag ico-close kasi yun ikaw lang mag-isa.. Ako nga lang mag-isa nag-sara ng itaas namin. Niloloko pa ko ng mga kasama ko na “uy, blais may bata pa namang nag-papakita dyan!” matatakutin kase ko. Nung araw na yun kabado na ko. Pero wala naman akong nararamdaman. Siguro kasi expected ko na anytime may magpapakita sakin. Nag daan ang mga ilang linggo, buwan okay na ko. marunong na. Onetime nilinisan ko yung salamin ng FUNCTION ROOM namin kasi nga puro dumi at bakas ng mga kamay ng taong pumapasok doon. Nung tapos na at okay na lahat dinoble check ko pa kasi baka pagalitan ako ng manager ko. Nung binuksan ko na nga, umakyat ako syempre expected ko malinis yun kasi ako nga nag-linis nun nung gabi. Nagulat ako kasi bakit may mga bakas ng mga kamay ng bata? Nilinisan ko naman to ng maigi dinoble check ko pa. Pero may mga kamay na maliliit at kamay eto ng mga bata! Nakakapagtaka kasi nilinisan ko lahat ng salamin at yung parte na may kamay. Kinilabutan talaga ko at pinag-pawisan ng malamig kasi first time kong makaranas ng ganun. After nun doon nanaman ako naka duty, lagi na akong nakakarinig ng umiiyak na bata, kalabog sa salamin, biglang daan, pero wala naman. hanggang sa nasanay nalang ako.

35. Alvin Adam Avila: Jun 17 2011, nasa Leyte ako sa probinsya namin. Nagka-yayaan kami uminom ng mga kaibigan ko. Pagtapos namin uminom nagka-yayaang tumambay muna. Masarap yung kwentuhan namin ng mga kaibigan ko nun nang may napadaang dalawang matandang mag-asawa . Tinanong ng lalaki kung san papuntang kabilang baranggay at kung pwede daw ba silang samahan. Sinamahan namin sila mga 1am na yun at yung daan samin eh lupa lang at walang streetlight medyo masukal pa yung lugar namin dahil liblib na baranggay kami. After 30 minutes ng paglalakad napansin namin ung lola eh parang nanginginig na ewan. Tapos nakita namin tumayo buhok niya sa ulo at parang gigil na gigil. Doon na kami kinabahan. Akmang tatakbo na kami ng sinabi ng lolo na iha kumalma lang kayo ako bahala sa inyo. Nauuna samin yung lola. Bigla nalang itong tumalon papunta sa taas ng puno itim na itim yung buong mata at ang putla putla ng mukha niya, ang sama na talaga ng tingin niya samin bigla-bigla din itong nag-ingay na parang uwak na malalim yung tinig. Nakahawak sakin yung lolo at sinabihan niya yung lola na “tama na hinatid na nga tayo gaganyan kapa” di ko na talaga natiis kaya kumaripas na ko ng takbo at nag-takbuhan din yung tatlo ko pang kaibigan. Hanggang sa nakarating na kami sa baranggay namin.

<Click for Part 1>

1,291 views


Leave A Reply

RELATED Articles

Sablay Ghost Episode 2

Video-

Brain Freeze

Gone are the days when ghosts are scary. What will happen when people are no longer scared to a ghost wearing a white gown and its hair down? Find out here on ‘Sablay Ghost.’

3,631 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Sablay Ghost Episode 1

Video-

Brain Freeze

Gone are the days when ghosts are scary. What will happen when people are no longer scared to a ghost wearing a white gown and its hair down? Find out here on ‘Sablay Ghost.’

2,408 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Haunted Elevator

Video-

Shorties

There is something wrong with the elevator. Maintenance malfunction or haunted by a wandering soul? Watch to find out the reason behind it.

3,843 views


Leave A Reply

RELATED Videos

The Number One Pinoy Online Video Channel