11507K

1354143K

Tag Archives: scary

Flippish Likers Share Their Most Terrifying Encounters With The Paranormal Part 1

Article

by Sonsilog

We asked flippish fans to tell their most creepy, disturbing and scary paranormal experiences and we list them down.  Be sure to not read these stories alone at night. Happy Halloween!

1.  Michael Mallari: Nangyari ito dati nung bata pa ako. Naiwan akong mag-isa sa bahay. Umalis lahat ng kasama ko sa bahay dahil umuwi sila ng probinsya namin sa pampangga. Nag-umpisa yung gabi na yun na parang normal lang at kagaya lang ng mga ibang normal na gabi; kumain, nanuod ng tv at nag-ready na ako para matulog. Hindi naman masyadong malaki ang bahay namin, tatlong kwarto lang. Sakin yung pinakamalaking kwarto. Bago ka makapasok sa amin, dadaan ka muna sa gate, tapos akyat sa hagdan, then pag-papasok ka na ng bahay, dadaan ka sa screen door, kasunod ng wooden door. Nilock ko na lahat, gate screen door at ang wooden door at nagpunta na ako sa kwarto para matulog. Mga 2am na noon nung magsimulang mag-agaw yung diwa ko sa pagitan ng gising at tulog, nang biglang may narinig akong katok. Ako yung tipo na, kapag naalimpungatan eh parang zombie; tumatayo ako nang hindi nag-iisip. Ang nasa utak ko lang, may nakatok at need kong buksan ang pinto. “tok tok tok… tok tok tok…” tatlong beses siya kung kumatok, at dahan-dahan. Nung nakalabas na ako ng pintuan ng kwarto ko at tanaw ko na ang wooden door, doon na ko nagsimulang kilabutan na parang huminto yung oras at tumigil ang tibok ng puso ko. Nakatitig ako sa wooden door namin habang iniisip ang. “Paano makakakatok sa wooden door, kung nakasara ang screen door.” tulala ako at nanigas ang buong katawan habang nakatitig sa pinto. Hanggang kumatok ulit siya at sa wooden door ang tunog. Dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko at kinuha ang cp ko at nag-headset at nag-patugtog ng malakas at nag-taklob ng kumot. Kahit anong lakas ng sounds, dinig na dinig ko parin ang katok niya. Palakas ito ng palakas, binalewala ko nalang ito at pinilit makatulog. 

2. Mj Torio D: Nangyari ito noong 2001 sa tagaytay, grupo kami ng mag-babarkada mga nasa kinse kami nasa isang van kami at isa sa amin ay may birthday kaya naisipan namin na mag-inom sa bundok, kung saan kita ang buong tagaytay. Kada tapos ng isang bote ng alak ay binabato namin pababa ito ng bundok. Kahit anong ingay namin at gulo ay walang sumisita sa amin kaya patuloy padin kami sa inuman. Nang tumagal lima na lang kaming natira at ang iba ay tulog na sa loob ng van sa kalasingan . Yung isa naming kasamang sumusuka sa gilid ay biglang tumakbo sa amin sabay ang sabi may bumato daw sa kanya, kaya agad kaming rumesback! Sumisigaw kami ng “PI kayo lumabas kyo dyan! nang malaman nyo!” pero walang sumagot, nang pabalik na kami sa pwesto namin ay biglang umulan ng mga bato at hindi namin alam kung saan nanggagaling. Nagmadali kaming pumasok sa van, at biglang may bumato ng napakalaking bato sa van, nagising ang mga nasa loob dahil sa kalabog!  ” PARE NA EENKANTO TAYO!!!!” yan nalang nasabi namin iniwan namin yung mga inumin at umalis kami kaagad. Marami kaming nakasaksi nun! kya naniwala kami na hindi dapat sila nagagambala,. nasa paligid lang natin sila!

3. Allen AclaoNangyari ito noong 2008, 3rd year high school palang ako. Kasama ko ang dalawang kabarkada ko . Gabi na yun at halos kakatapos lang ng event sa school namin. Napagkasunduan naming magkakaibigan na mag-ghost hunt sa school kasi may balita na may multo daw sa second floor ng building namin sa cr ng girls. Nung mga oras na yun bawal na ang umakyat kasi madilim na nga pero nakatsempo kami na wala yung guard na nagbabantay kaya nakasalisi kami sa taas. Tapos bago kami pumasok ng cr yung dalawa kong kasama nag-on ng video recorder ng cellphone nila. Pumasok silang dalawa sa cr tapos ako ang look out sa labas kung sakali na dumating bigla yung guard. Habang nasa loob ang mga kaibigan ko may naririnig silang umiiyak sa huling cubicle ng cr, ako naman may narinig na malakas na sigaw ng babae, nagulat ako kasi alam kong, impossibleng may ibang tao pa dun kasi 7pm na yun at yung hagdan na dinaanan nalang  namin ang hindi naka-lock. Paglabas ng mga kaibigan ko sa labas tinanong ko yung isa kung may narinig silang sumigaw kasi nasa bandang pintuan lang din siya, hindi siya pumasok sa loob ng cr, sabi niya wala daw siyang narinig. Pagtapos noon bumaba na kami ng building na yun para icheck yung videos na kinunan ng kaibigan ko. May video siya sa labas at loob ng cr(magkahiwalay na file). Pagkacheck namin hindi na namin makita yung video na nakunan niya sa loob ng cr.

4. Warren G. CabreraMonday night naka duty ako sa rescue, sa hindi inaasahan, may tawag kami sa isang lugar dito sa Ilagan, Isabela, isang VA (Vehicular Accident) involving a motorcycle with two riders, the passenger was able to walk, the driver ia critical with a head trauma, we rushed him to the hospital, at the emergency room the doctor said he was critical. We did our best though. After namin siya mai-endorse, we went back to base, two of us EMS went for a night’s roving duty with our same ambulance that made that emergency run. Then my buddy and I had a little chat about our patient earlier. A couple of minutes later the door at the rear entry of the ambulance suddenly opened. We’re sure that those doors were locked, and it is a perfectly good door. I told my buddy that our rear hatch doors were open, then we noticed that we are right in front of the citu cemetery, that brought the creeps out of us. I told my buddy to lock it again. Pero grabe kung tayuan kami ng balahibo. I don’t  know what happened to our patient later that night, I do hope he is ok, but what happened there in our ambulance is pretty scary. Minsan naman our ambulance just suddenly turn its lights on without someone hitting the switch. Well, ambulance, I suppose you know what to expect.

10675614_10203712348101572_334147613063234963_n

5. Bryan May Ramirez Avellana: I was working sa call center nito. So umuuwi ako ng 10 am. Di ako nakakatulog agad normally 2pm ako dinadapuan ng antok. Isa lang kwarto sa bahay namin dati. Apartment type kasi kami nakatira noon. For better description after ng main door na may katabing bintana konting sala na at bedroom door na. That afternoon umalis pamilya ko, so ako lang mag-isa sa bahay. Nilock ko na yung main door since may susi naman sila mama. Sinarado ko na din yung bedroom door at ready to sleep na. Naalala ko nag-ffb pa ko nun bago ko tuluyang matulog narinig kong bumukas yung main door (so akala ko sila mama dumating na) tapos binuksan yung bedroom door (akala ko sinisilip lang ako kung tulog na ko.) i even saw yung anino niya since hapon pa lang yun at pagbukas mo ng pinto ng kwarto ay talagang magliliwanag yung kwarto. Then narinig ko yung yapak na pumasok sa kwarto. Kinilabutan ako di ko alam kung bakit. Then naramdaman ko na pumatong sya sa kama (nakatalikod ako nun nakaharap ako sa pader) then sinilip niya ko. Ang nakita ko lang ay yung noo nya at yung mahabang buhok. Sobrang puti ng noo nya parang tshirt na puti. Pero alam ko na hindi tao yung sumilip sakin. Nung nakita ko yung noo nya. Nagsimula akong magdasal. Di pa natatapos yung dasal ko. Bigla syang tumalon mula sa kama at palabas ng kwarto. I specifically heard yung tunog ng paa ng kabayo, pero patakbo. Next thing i heard balibag ng pinto. At bumalibag din yung main door. After that tumayo ako at binuksan ko yung pinto ng kwarto. walang tao sa loob ng bahay. Then binuksan ko yung main door wala din tao sa labas ng apartment. Sobrang takot na takot ako. Umalis ako ng bahay. At hinintay sila mama sa labas ng apartment. 

6. Aaron Rafael Dela Peña: I will share my experience sa Hotel benilde na pinapasukan ko ngayon. Sa may 2nd floor, meron doong cr sa dulo. Medyo meron akong mabigat na nararamdaman at parang lumalaki ang ulo ko, madilim yung hallway at may isang ilaw na parang mapupundi na kasi patay sindi. Sobrang tahimik pa yung tipong mabibingi ka sa katahimikan. Minsan nung nag cr ako, nag-flush mag isa yung toilet bowl pero hinayaan ko lang kasi palabas na ako, tpos 2nd time sa may elevator sa pantry sa may 2nd floor may bata na nag-lalaro papasok lalabas sa elevator akala ko guest na nka check-in sinabihan ko pa na wag mag laro dito kasi service elevator ito, yun pala ang sabi nila walang naka check in sa 2nd floor kasi wala naman yung mga guest room doon. Then on the other day nasa cr ako sa 2nd floor ulit, isa lang kasi yung banyo doon na pwedeng dumihan. Sinilip ko ung sa ibaba na may uwang kasi nkasarado. pag silip ko may bata na nakatingin sa akin tapos ang tanong nya sa akin. “Nakikita mo ko?” sabay sumigaw siya. Nagulat ako at napatakbo sa sobrang taranta. Nag halo-halo na yung emotion na nararamdaman ko.

7. Ellehcor Odalas: Ako yung tipo ng tao na mababaw lang ang tulog. Isang gabi, ako lang mag-isa sa kwarto, kasama ko sa bahay ang pinsan kong lalaki at ang babaeng boarder namen. Yung pinsan ko eh tricycle driver at kadalasan sa sala siya natutulog lalo na kapag madaling araw siya nakauwi, at ang boarder naman namin ay naka-shifting schedule. Ang alam kong uwi niya nung araw na yun ay gabi. Nag-tetelebabad ako sa telepono, at tamang antok na din ako, sabi ko sa kausap ko, matulog na ako at nagpaalam na ako sa kanya. Pagka-baba ko ng telepono umulan ng malakas at unti-unti na akong napapikit. Nagising ako sa ingay ng electricfan bandang mga alas dos pasado na un, at nakita ko sa baba ng kamang meron kamay na nag-aayos ng electricfan, sinaway ko siya kasi akala ko pinsan ko un. Sa sobrang antok ko, hindi ko na din pinansin bakit sa baba ng kama natulog pinsan ko. Sabi ko pa sa nag-aayos ng electricfan na akala ko’y pinsan ko na tigilan na ang pag-aayos at baka masira ang electricfan . Pilit niya kasing niyuyuko sa kanya banda, eh malamig naman kaya tinulugan ko nalang at hindi pinansin. Nagising nanaman ako bandang alas tres pasado naman, at naramdaman kong merong tumabi skin. Nakatagilid ako at nakaharap sa pader, di ko na nilingon ung katabi ko, inisip ko ung boarder namen lang un, dumating at inumaga na sa pag-uwi, kinausap ko pa, sabi ko bakit ngayon lang siya umuwi pero hindi sumasagot. Since di naman siya naiba samin at tinuring na naming  kamag-anak, kaya katabi ko sya sa kama, tapos ay, natulog na ulit ako. Kinaumagahan, ngising ako na mag-isa lang sa kama, nagtataka at bakit ang aga ata magising ng katabi ko eh samantalang umaga na din siya nakauwi, tapos bumaba ako para lumabas. Nakita ko ung gate naka-lock pa rin. Pag-labas ko ng gate, nakita ko ung pinsan ko at yung boarder namin mag-kasabay na naglalakad papalapit sa akin. Nagulat ako at napaisip na kakarating lang kaya nila? o paalis palang ulit at baka may naiwan kaya bumalik.. Sinalubong ko na, at tinanong ko na sila saan sila galing at ayun nga kakauwi palang  daw nila, ung pinsan ko m magdamagan bumiyahe ng tricycle, at yung boarder namin e kakauwi lang galing sa trabaho, graveyard shift pala siya..
Kahit pati yung border namin ay naranasan ito at akala pa ay ako daw yung yumakap sa kanya. Madami na din akong kaibigang nag-sleep over sa amin at naranasan din nila . Yung kama kasi namin, binili ng tita ko na second hand sa isang antique store. Dahil dun naisip kong sirain nalang yung kama para wala nang tatabi sakin.

8. DaLe Borja Jr.: This story happened when i was 7 years old. right after my fathers interment, our house is under construction so that we couldnt sleep at the floor so that we slept at the wooden table made by my uncle. Around 1 to 2am in the morning im weirdly awake So weird, because i never awake as early as 1am in the morning, then suddenly i saw a man sitting in a laundry chair, he’s looking at the other side of the house, i feel my whole body is paralized im so scared, so shocked … that’s my father!! i hide myself within my blanket, a minutes ago i look up again at the direction where he is sitting but there’s no one there aside from the laundry chair. I tell my mom what happened last night she said that my father is trying to say goodbye to me, because I’m his favorite child back when he is alive.

9. Cherry Smith: Ung binangungot ako sa apartment na narentahan ko sa Manila everynight may mga times na nagbubukas yung lumang kabinet sa isang room ng friend ko.. Sinubukan na namin itali ang kabinet pero everytime na umuuwi kami galing work tangal ung taling nilagay namin, sabi ng mga kapitbahay may dalawang nagpakamatay dun isang lalaki at isang bakla mag jowa daw un dati..
Tapos eto na nung nakatulog ako sa baba ng apartment.. dun ako nagsimulang bangungutin.. nag dadasal daw ako ng Ama namin.. papa akyat ng hagdanan tapos pag dating ko sa gitna ng hagdanan habang nagdadasal ng Aba Ginoong Maria nakita ko ung lalaki galit na galit at nakaupo sa hagdanan habang sinasabayan akong mag dasal at tumatawa siya na parang demonyo.. Yun sa sobrang takot ko pinilit kong magising.. Ang dami kong experience sa Apartment na un hindi lang ako lahat kami . . Naka stay in dun nag pakita sa panaginip..  Gusto kaming umalis sa bahay na un..

10. Chad Manalo: Hindi ko na maalala kung anong year itong experience ko. Isa akong security guard, at the same time assigned din ako as a nightshift pager. Sa desk ko, meron akong dalawang telepono. Yung isa ay local “0” (zero) at ung isa ay di ko pa alam ang local. One time may tumawag sa akin na isang empleyado. Nag-appear sa caller id ay 201. Boses ng isang lalake ang nasa kabilang linya ” Sir papage naman po ako kay ( pangalan at apelyido) pasabi naman po tumawag siya sa local 201″ normal naman po ang boses niya. Agad ko naman po itong inanounce. Makalipas po ang ilang minuto pumunta po sa akin yung tao na ipinage ko, at tinatanong kung nakuha ko daw ba ung pangalan nung taong nagpapage sa kanya. Sabi ko, hindi kasi hindi ko nmn ugaling kunin pa ang pangalan ng mga tumatawag sakin dahil sa sobrang dami, at tinanong din niya kung saan daw ba ung telepono na my local 201. Sabi ko hndi ko din po alam. Maya maya pa bumalik siya at talagang nanginginig na sa takot, kasi daw nung tawagan niya ung local 201. My boses lalake daw na humihingi diumano ng tulong na parang nahihirapan ang boses. Hinanap namin kung saan ba talaga ang teleponong yun, at napag-alaman namin na yung telepono na yun ay yung isa sa mga telepono na nasa lamesa ko. Ibig sabihin katabi ko lang kung sino man ung tumawag saken.. Ng hindi naman umaangat ung telepono at walang makakagamit noon kung hindi ako.

11. Mhadz LhenThis photo was taken last October 31, 2010.. 40 days ng tita nmin na namatay kaya kami nagsama sama magppinsan.. Nagkatuwaan kami mag-picture and suddenly nung tingnan namin lahat ng pics napansin namin tong pic na ito na may kamay.. Na parang nagpapa-mano sa bata. Yung bata na yan eh apo nung namatay. Shes trying to reach her apo kahit sa pic sumama pa siya samin. Hayyy so creepy talaga. And take note po hindi po yan edited kasi kung totoong kamay yan ng buhay na tao edi sana nadistract na ung mga pinsan ko jan sa pic. And one thing  dalawang camera po ginamit sa pag-pic sa amin pero etong pic lang na ito ang may lumabas na kamay.
10410631_790287184358148_2546627983155912657_n

12. Aj Ver: Unang beses kong tumingin sa patay sa kabaong.. As in kita ko gumalaw ung labi niya. Muntik na akong himatayin.

13. Marvin Advincula: Isang gabi sa aming tindahan natatandaan ko maghahatinggabi na noon, magsasara na kami nang may lumapit na mama kay tatay naka-sumbrero siya tapos mahaba ang damit niya na parang suot ng mga karaniwang detective sa pelikula. Sabi niya “manong pwede pong pasindi ng sigarilyo?”. Inabot ko kay tatay yung lighter at sinindihan ni tatay. Laking gulat namin kasi ang kanyang mukha ay parang tinagpi-tagping balat ng tao. Nanindig ang balahibo namin ng tatay ko at hindi kami makagalaw na tila nahipnotized kami, at minasdan namin habang papalayo siya, yung mga paa niya ay hindi nakaapak sa lupa at lumulutang. 

14. Mark Anthony Pastrana:  isang batang babae humatak sa damit ko sa kusina namin habang tumutungga ako ng galon ng tubig medyo malabo sya eh, kasi nakatingala ako umiinom then from nowhere may bata sa gilid ko nakikita ko siya aninag lang, kasi sa taas ako nakatingin then bigla niyang hinatak damit ko at nawala. Mahaba buhok niya.. Mga 4yrs old siguro.. That time andami ding nagparamdam sa bahay namin. Isa na yung paa na tumagos sa pader habang nagluluto ako.. May mga bakas din ng paa ng bata sa taas na parte ng pader sa kusina..

15. Akoh C Khulet : Bata pa lang ako kung anu-ano na nararamdaman at nakikita ko, umpisahan ko noong limang taong gulang pa lang ako. habang naglalaro ako s aming bkuran na may mga tanim n gulay gaya ng talong, kumakanta ako. Nang malaunan ay may tumawag sa aking pangalan, nilalang na kasinglaki lamang ng isang dangkal, nakipaglaro muna siya sakin, hindi ako natakot kasi dala pa ng kamusmusan. Laro kami ng laro n parang hindi tumatakbo yung oras, nang makaramdm ako ng pagod. Nagpaalam ako sa kanya sabi ko magpapahinga muna kami pumayag naman siya sa isang kundisyon, dalhan ko daw siya ng betsin kasi lutu lutuan yung nilalaro namin. Dali dali naman akong tumalima. Pag balik ko, wala na yung nilalang na maliit, wala na din yung isang pirasong bunga ng talong. Sabi ni nanay dwende daw yun, dwendeng itim daw yung nakita at nakalaro ko. Nasa ikatlong baitang ako nung muli siyang nagpakita sa akin. Sinasama niya ako sa kanila. Gagawin daw niya akong prinsesa, ganoon din yung kapatid ko, para daw hindi ako malungkot. Binigyan niya ako ng kung anu-ano pati ung kapatid ko, na iniiwan naman namin sa punong pinagpapakitaan niya, Ang sabi ni nanay ay iwasan namin siya kaya hindi kami pumayag sa kahit anong sabihin niya, bigla na lang siyang nawwla at hindi nagpakita Nagkasakit kapatid ko,Sabi ng albularyo gusto daw kami isama ng duwende dahil wala siyang kapatid. Sa huli ay napakiusapan din naman. Nang mag-highskul naman ako, kung anu-anong kaluluwa yung nararamdaman ko sa school at nang mabanga ako ng bike, doon na nabuksan ng tuluyan yung third eye ko. Nakikita ko n ang mga kaluluwa, gaya ng mga white ladyna lumulutang at mga babaeng nakaitim na nanlilisik yung mata. Kahit anong sabihin ko ay ayaw nila akong tantanan minsan pa’y nung nag swimming kami ay sinubukan akong hilahin ng mga babaeng nakaitim pababa pero tinulungan ako hatakin nung mga nakaputi, nagising nalang ako nasa gilid ng pool at pinagkakaguluhan ng mga kaibigan ko. Hangang ngayon ay nakakakita parin ako  kahit nakapangibang bansa na ko.

16. Lovelie Salceda: Last month lang nangyari to samin sa school. Nung second subject na namin dumating na yung prof namin at nag-attendance actually 8 lang kami sa course namin. Habang nag-aatendance yung prof namin tinawag niya na yung clasmate kong si peter. Sakto naman ang pagpasok niya galing sa pinto. Nag-goodafternoon siya sa amin at umupo sa sulok malapit sa bintana, then after a few minutes napansin po namin at nung prof namin na wala na si peter sa upuan niya. Wala din kaming napansin na lambas kaya nagsimula na kaming magtaka. Tumingin sa labas ung prof namin para tingnan kung nasa labas siya at nakita niya si peter na papunta na s room namin at tmatakbo nung kaharap na ni peter si mam tinanong siya kung saan siya nanggaling at lumabas bigla nagulat  kami nung sabihin niyang kadadating nya palang daw. Sinabi namin sa kanya na dumating na siya kanina , ngulat din siya sa sinabi namin pero kadadating lang talaga niya. Noong pumasok n si peter doon din siya umupo sa tabi ng bintana. Nagsimula na kaming matakot, pinalabas kami ng room ni mam at nagpatawag siya ng estudyanteng may 3rd eye at sabi niya samin may tao daw s room na walang mukha na nasa may bintana.

17. Iama Fakeuser: This happens yesterday. Medyo malapit na undas kaya siguro nangyari to. About 7 pm ng gabi nang ihatid ko ang girlfriend ko sa bahay nila siyempre highway ang dinaanan namin. Papunta palang kami sa kanila may creepy na kaluskos ng paa na sumusunod samin pero ako lang nakakarinig. Lingon ako ng lingon sa likod pero wala sumusunod nagtataka gf ko bat ako lumilingon sinasabi ko nalang baka may sasakyan na, na padaan. At nang pagka-hatid ko sa kanila ako nalang mag-isa umuwi.  At nang ako nalang mag isa sa highway may nakikita akong hindi ko maipaliwanag. Una may black shadow na nasa mga sasakyan magulo ito na parang tumatakbo, nang makita ko ito may mga yapak nanaman na nakasunod sakin at ako lang mag isang tao na naglalakad sa highway na iyon. Pangalawa may babae na nakatayo na parang nag-aabang ng sasakyan at nang may bus na padaan bigla itong tumawid. I was shocked!! Pero bigla itong nawala. Pag-uwi ko sa bahay sinabi ko ito agad sa aking mom at sinabi niya na marami na daw namatay dun dahil accident prone area ang highway na iyon.

18. Jonn Marvy Ocbian Santamaria: Beware, wag matutulog nang nakabukas ang bintana. Elementary po ako nun, nakikitulog kami sa kwarto ng lola naming may sakit. Ako, yung ate ko at yung katulong nila; sa sahig lahat kami tapos may maliit na kama, dun natutulog yun lola naming may sakit. May sugat siya sa lower spine niya sa likod na hind gumagaling, So that night simbang gabi, yung katulong nila ang kasama namin ni ate mag simba kaya dun kami nakikitulog. Normal night lang kaya bukas lang ang mga bintana, although may screen din kahit papano. Around 7 pm yun nang natulog kami. Tahimik na ang lahat nang magising ako kasi malamig masyado, ber month na kasi, chineck ko yung oras sa cp alas onse palang, kala ko simbang gabi na, hindi ko muna sila ginising, nakita ko yung kumot, hawak ng kapatid ko, so kinukuha ko, habang nag-aagawan kami napatingin ako sa bintana. May pair of red small eyes na nakatingin sa akin, eh half asleep pa ako kaya hindi ko nagets agad. Nakipagtitigan ako. May papikit-pikit pa ako kasi malabo pa mata ko at kakagising lang. Lumapit ako para makita ko ng mas maayos yung red dots. As in naka-dikit na yung mukha ko sa screen ng bintana, di ko parin ma gets. Tapos maya-maya umusog yung mata, nakatingin na siya ngayon sa lola ko, tapos nag-blink siya, dun nako napaatras sa bintana, hinaltak ko yung kumot sa ate ko tapos nagtalukbong ako, tapos pray lang ako ng pray, hindi na ako nakatulog hanggang mag simbang gabi na. 

19. Faye Ann Villanueva Balocating:  Saturday ng hapon, nandun ako kila ate andrea, nag usap usap kami tungkol sa mga projects niya at sa school. Then maya maya, bababa na kami ng hagdan. Tinawag ako ng ateng kasamabahay nila ate andrea sabi nandiyan daw si mama sa labas, pag-labas ko ng pinto nakita ko si mama parang nakangiti yung parang natatakot din. Then tinanong ko si mama anong pinunta nya doon, sabi nya “Faye, akala ko nasa bahay kana! Grabe, nakaka-kilabot. Nung dumaan ako sa kwarto mo akala ko nandoon ka na kasi may nakita akong paa, sabi ko pa nga kay Anne(kasambahay namin) “Anne, nandito na pala si faye”, akala ko talaga nasa bahay kana. Nakita ko yung paa nasa kama mo akala ko paa mo.”  Tapos kinilabutan ako, tumayo balahibo ko. Pag kauwi ko sa bahay kiniwento din ni ate Anne yung nakita niya.  Sabi niya, “faye, akala ko din kanina nakaupo ka diyan nakita ko suot mong pants kulay green. Nagi-ipad ka pa nga eh.” Tapos simula noon, tuwing papasok ako ng kwarto tumatayo balahibo ko.

20.Angel Belda: Nagd-drive ako ng tricycle nung gabing yun, nang may nakita akong nakasakay sa tricycle ko, itim lang as in parang nakaitim, ganon, wala naman ako pasahero. Pero that time nagtapang-tapangan ako at hindi ko nalang pinansin, pero syempre may nerbyos din, binilisan ko ang takbo. Pag-uwi ko samin kinwento ko agad kila mama at sa tita ko mga around 11pm na yun. Kinabukasan pumunta yung tito ko sa bahay namin at sinabi niya patay na daw lola ko(tita ng daddy ko) ayun nagkatinginanan kaming 3 ng mama ko at ng tita ko. Sabi nila ayun na daw yung nakita ko nung gabi. Haha katakot! Tumatayo balahibo ko!

21. Lhen Jasmin: Last 2010 nagkita-kita kami ng mga high school friends ko sa bday ng tropa namin . Yang naka color red na tshirt, ang dami namin noon lalaki , babae , tapos may mga bakla .. Sa gitna ng celebration ay naisip namin na mag-picture .. madaming picturan ung nangyari nung araw na yan .. Bago mag-uwian yung isa kong kaibigan na babae yang nasa dulo tiningnan lahat ng picture namin sa digicam. Napatingin kami sa kanya ng sumigaw siya na may multo .. Kasi nung oras na nagpipicture kami nyan. Yang pintuan na nakabukas walang tao ni isa, kasi ako yung last na nag-cr bago kami mag-picture taking at patay ang ilaw kasi ako mismo ang nagpatay nun. Kaya laking gulat namin nung may nakita kami na parang mukha ng babae o lalaki dyan na parang gustong sumali sa picture taking namin. After nun naglayuan kami sa cr ng makita namin yung picture natakot kami, sabi pa naman ng friend ko na may bday, talaga daw na may nagpaparamdam dyan sa cr nila .
10694394_833899596662762_3415695846898214169_o

22. Jhem-jhem Comaling Panerio: Nung naka duty ako noon tanghali yun pagka-tapos kong mag-lunch naka idlip ako na diko inaasahan na binabangungot ako, hindi ako makagalaw, kahit anong gawin ko at gustuhin ko mang sumigaw hindi lumabas ung boses ko . Tapos ang bigat ng batok ko, hindi ko maiangat at ska ang hirap huminga tapos nakakita ako ng maraming hindi ko mapaliwanag na gusto akong hawakan pero ayaw ko kasi nakakatakot ang mga mukha. Ang nagawa ko lang talaga ay binanggit ko ilang beses ang panginoon na sana tulungan niya ako.. Ayun nagising ako dahil pumasok ung kasamahan ko sa trabaho. Tapos sinabi ko sa knya.. Sabi niya ang building pala na yun ay isang ospital, taposy ung room na yun kung nasan kami ay dating morgue.

23. Dhojie Aray: Noong kadate ko shota ko sa may tabing dagat na katabi ay sementeryo at pauwi na ako, nakita ko ang isang babae na suot-suot ang damit ng gf ko . Tinawag ko yung babae pero hindi siya lumingon . Biglang may boses akong narinig na ang sabi ay “takbo!”. Binaliktad ko agad ang damit ko at naglakad ng mabilis . Hindi ako tumakbo baka kasi pinagtitripan lang ako .. Nung malapit na ako sa boarding house eh narinig ko nanaman ang salitang “takbo!” kaya di ko na napigilang tumakbo ..

24. James Hailey Estabillo Cabrera ang pinaka nakakatakot na nanyari sakin nung nasa rooftop kami ng 2 kong pinsan mahina lang yung hangin pero biglang lumipad yung upuan samin. Yung upuan eh mga 2 meters yung layo samin. Ewan ko basta bigla nalang siyang lumipad na parang may nagtulak papunta samin. Trip kasi namin mag pipinsan umakyat sa rooftop pag-gabi; titingin sa baba, tapos bigla ganun nangyari. Takbuhan kami pababa nun. Yung upuan eh yung plastic, yung karaniwang ginagamit sa computer shop. Mga 2 feet yung inangat niya sa sahig, tapos 2 meters ung layo nung nilipad.

25. Reyma Saquing Maravilla: Naka-upo kami ng kapatid ko sa likod bahay sa probinsya, tapos may biglang sumulpot na aso, itim ang kalahati ng katawan at puti ung sa kabila. Una mabagal ung takbo ng aso pinapaikutan niya yung puno ng saging taps pabilis ng pabilis yung takbo hanggang nagulat kami dahil pumasok siya sa puno ng saging at biglang nawala. Karipas kami ng takbo ng kapatid ko at isang linggo siyang nilagnat.

26. Chen Cruz: Every night, hindi ako tinatantanan ng matabang babae na nakaitim na dumadagan sakin. Ang tendency, di ako makahinga, di makagalaw. Nakikita ko ung itsura ng tulugan ko at andoon siya. Hindi ako makasigaw at makagalaw dahil tinatakpan niya ang bibig ko. Every 2 nights yun nangyayari sa akin.

27. Ezekiel Joshua Martin: Noong sa elementary pa ako ang bahay namin ay tabi ng sementeryo siyempre bata pa ako at wala akong kaalam-alam sa mga ganun. Isang araw gabi mga 9 pm pumunta kami ng mama ko sa bahay ng tita ko kapit bahay lang namin sila pero malayo layo konti nag-patulong ako gumawa ng assignment kaya sinamahan ako ni mama, natapos na ang mga assignment ko mga bandang 10 pm dumaan kami sa sementeryo kung saan may nakita kami naka-upo at naninigarilyo di makita yung mukha niya kaya akala ni mama si Tito lang un pero napansin niya kahit malapit na kami di niya makita yung mukha tapos naka-damit pambabae ito nag taka ako bat tinapunan ni mama ng libro kasama mga assignments ko pero parang hindi siya natatamaan, sabi ni Mama si Lola daw yun nanginginig siya. Tanong ko “eh si Lola naman pala un eh bat ka tumakbo?”  Anak patay na ang lola mo. Nagulat ako at nagsimulang tumayo ang balahibo ko. Kinaumagahan binalikan namin ni mama yung libro sa sementryo mga madaling araw na kasi kailangan ko yun pero pagtingin namin, punit-punit na yung libro. Hanggang ngayon nagtatanong ako, ano kaya o sino ang pumunit nun kasi maaga kami pumunta at wala pang tao sa sementeryo.

28. Jelo Botor: Nakatambay kami sa bahay ng tropa ko mga 8pm na ng gabi, 6 kami tapos pumasok yung may ari ng bahay, yung isa naming tropa gusto makiinom kaya sumunod ito. Bago niya mabuksan ang pinto bigla siyang bumalik sa kanyang upuan at nanginginig, kami ay nagtaka sabay tanong sa kanya “ano nangyari tol?”. Bakit ka namumutla sabay sabi niya “tol may dumaan na mabilis na bata sa harap ko” at first di ako naniniwala at natawa pa, pero bigla akong may naramdaman at kusa akong napalingon sa likod na likod ng bahay ng tropa ko at pag tingin ko sa sira sira at lumang ihawan, may batang maliit na nakasilip at tumataw. Bigla ako naluha sa takot at nag-aya ng uwian simula noon di na kami nakakatambay ng gabi!

29. Clarince Amata: Gumising ako ng alas kwatro ng umaga madilim pa nun. Habang papunta ako sa poso, parang may laging nakatingin sa akin na hindi ko alam kung sino. Nung nandun na ako sa my poso meron akong nakikitang anino. Dali-dali akong umalis dun sa may poso. Nung tumatakbo ako bigla akong nadapa at my nakita akong paa na mabalahibo at parang sa kabayo yung mukha. Tumayo na ako, dali-dali akong pumasok sa bahay namin at hingal na hingal. Sinarado ko yung pinto at inisip ko yung mga nakita ko at bakit kaya sila nagpapakita.. Mula noon hindi na ako gumigising ng madilim pa, at kapag inuutusan ako ng gabi na hindi na ako sumusunod kasi takot na ako. 

30. Krizia Cliff Bree Amet: Dito sa bahay namin meron daw talagang ibang nakatira dito, last year buwan ng february alas singko na ng hapon nun nasa sala kme ng baby ko. Nagla-laptop ako, siya naman naglalaro sa tabi ko. Medyo madilim noon at makulimlim sa labas kasi umaambon. Tinatamad pa ako nun buksan ung ilaw sa sala. Ang harap ng sala ay yung kusina at kwarto ng kasambahay namin.. Wala yung kasambahay namin ng araw na yun at pumasok ang asawa ko.. Nanonood ako sa youtube ng panahon na yun pero naramdaman ko na parang may dumaan na naka itim papunta ng kwarto ng kasambhay namin, Hind ko pinansin baka guni-guni ko lang, kaso bigla nagsalita ung anak ko at tinuturo niya yung kwarto ng kasambahay namin tinatawag niya yung anak ng kasambahay namin, naalala ko na pumasok yung naka itim doon at wala naman kami ibang kasama sa bahay sa oras na yun, kaya naisip ko na nakita ng anak ko yun. Napatakbo talaga ako sa labas, karga ko yung anak ko.

1,683 views


Leave A Reply

RELATED Articles

Gapang

Video-

Shorties

Boss likes it hot and sexy. But what he likes the most is going low. See how being down there satisfies both the master and the maid’s cravings.

 

216,011 views


Leave A Reply

RELATED Videos

The Lost Tape

Video-

Shorties

An exclusive behind the scene footage of an investigative horror video.

17,412 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Bravery Test “Necrophobia” Part 1

Video-

Flippish Specials

Afraid of the dead or the dying? Well who isn’t However this time we think its about time we test this fear, and who better to test it to than bubbly VJ Megan. I think this is one trouble that her smile can’t get her out off, hey all in the spirit of Halloween!

7,122 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Zombie Rock Anthem

Video-

Musiklab

We heard the crowd sing “Ang Titser Kong Pogi” over and over that’s why we want to satisfy your cravings to see more of Kamote Club! So even if our van didn’t want to start immediately; playful kids insistently surrounded the set to volunteer as extras; and the sun was so up it made us want to faint at Taytay Municipal Public Cemetery, nothing stopped us from shooting the second music video parody of DJ Pakito Jones & Sir Rex Kantatero! Together with 93.9 iFM DJ’s Kara & Nikka, we’re all ready to haunt you with Kamote Club’s “ZOMBIE ROCK ANTHEM!” We could defeat the brain-eaters , just gear-up and altogether, let’s chant: “Every day, I’m Shoveling!”

9,329 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Sablay Ghost Episode 2

Video-

Brain Freeze

Gone are the days when ghosts are scary. What will happen when people are no longer scared to a ghost wearing a white gown and its hair down? Find out here on ‘Sablay Ghost.’

3,631 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Sablay Ghost Episode 1

Video-

Brain Freeze

Gone are the days when ghosts are scary. What will happen when people are no longer scared to a ghost wearing a white gown and its hair down? Find out here on ‘Sablay Ghost.’

2,408 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Haunted Office

Video-

Shorties

There is something eerie going on in the office… Don’t stay late never be alone, beware of the dark, watch your reflections carefully.. Something may always be waiting for you in the dark.

15,143 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Haunted Elevator

Video-

Shorties

There is something wrong with the elevator. Maintenance malfunction or haunted by a wandering soul? Watch to find out the reason behind it.

3,843 views


Leave A Reply

RELATED Videos

Gutom

Video-

Shorties

Is it just hunger, a flicker of imagination or a paranormal activity? Watch it judge for yourself!

8,851 views


Leave A Reply

RELATED Videos

The Number One Pinoy Online Video Channel