Posts Tagged ‘ABS-CBN’

Jef Gaitan

Video Description: Tulad ng sabi ng ating host na si Ms. Kristine Dera isang Hottie Aftie sa lahat ng mga ka parazzi na nakatutok sa kauna unahang online showbiz talkshow na Pinoy Parazzi Live, sapagkat kasama natin ang isa sa mga hot na hot na survivor philippines season 2 na mas nakilala ng pasukin ang pagmomodelo nito sa FHM magazine! mga newest, freshest and juiciest showbiz news ang hatid namin sa inyo.
Date Posted: Saturday, February 12th, 2011

P-Pop, 1:43, Myrus Ramirez

Video Description: Sa walang tigil na pagsuporta ng mga ka Parazzi walang humpay na pagtangkilik ng mga tao sa KPOP ay narito na sa Pinoy Parazzi Live ang bonggacious na PPOP na 1:43 kasama pa si Myrus Ramirez, mga Fresh at bagong chikka na naman muli ang hindi namin hinayaang mabaon at itinago. aming isiniwalat at walang prenong ibinalita sa mga masugid na taga panuod ng Pinoy Parazzi Live!:)
Date Posted: Friday, January 21st, 2011

Kiss Jane

Video Description: Another sexy and talented band singer na naman ang nakasama ng ating mga host na sina Tita Swarding at Ms. Kristine Dera!! mga eksenang hindi planado lahat ng nakikita ay pawang totoo, mga rumaratsadang intriga hindi pinalampas at hinimay ng mas bonggang bongga kasama pa si Jaq ng Kiss Jane!
Date Posted: Friday, January 14th, 2011

Moymoy Palaboy

Video Description: Live na Live ang Youtube Sensation na sina Moy Moy Palaboy at Roadfil, kasama pa ang Super hot at seksing seksi na si Ms. Karen Bordador! Chikahang punong puno ng saya at mga kontrobersiya na naunang napakinggan sa Kauna unahang Online Showbiz Talkshow ang Pinoy Parazzi Live!:)
Date Posted: Friday, December 10th, 2010

PMPC Star Awards, Frio Band

Video Description: Mga umaarangkadang chika ay muling napa sainyo na! mga exclusibong pahayag ng mga actor at actress sa katatapos lamang na 24th PMPC star awards na ginanap sa Newport theater sa Resorts World. Mga maiinit na chikahan ang muling sumambulat sa inyong mga tenga na talagang pumukaw at hinde nagpahuli, dito lang yan sa kauna unahang online showbiz talkshow!
Date Posted: Saturday, November 20th, 2010

Ramon Bautista

Video Description: Isang nag aapoy na hapon at hitik sa mga fresh na chismis ang hatid ng Pinoy Parazzi Live na lalong binigyang kasiyahan ng mga mahuhusay na ka Parazzi Host na sina Faith Salazar, at ang walang kupas na si Tita Swarding kasama pa ang chikadorang DJ mula sa Love Radio na si Ms. Kristine Dera at ang Hu U Host na si Jhai Ayala ang hatid sa inyo ng episode na ito. Mainit, Nag liliyab, at Nag aapaw ngunit makulit dahil sa LIVE na LIVE na Celebrity guest na naki gulo sa set ng Pinoy Parazzi Live na si Ramon Bautista ang ating nakasama, panoorin natin ito mga Ka Parazzi!
Date Posted: Saturday, October 16th, 2010

Mark Herras

Video Description: Nag aapaw sa showbiz balitaktakan ang hapon na punong puno ng maiinit na intriga sa buhay ng mga paboritong celebrity ng mga ka Parazzi! Matitinding kontrobersiya dito niyo unang narinig sa kauna unahang online showbiz talkshow. kasama ang beteranong mamamahayag pagdating sa showbizlandia na si Tita Swarding at si Jhai Ayala.
Date Posted: Friday, October 8th, 2010

Jose Sarasola and Jommy Teotico

Video Description: Major major na chikahan ang inyung nasaksihan sa isa na namang nagbabaga at talagang hitik na hitik sa kontrobersiyang walang takot na hinubaran. Kasama ang hot na hot na Participante ng Fear Factor na sina Jose Sarasola at ang El Ultimo Participante na si Jommy Teotico. Mga nakakagulat na katanungan ang bumulaga sa kanilang dalawa at walang takot nila itong sinagot. Panoorin at Mag saya! yun na!
Date Posted: Friday, September 24th, 2010

August 20
WCOPA Grand Winners

Video Description: Proud to be Pinoy! isang masaya at punong puno ng talento ang nanguna sa set ng PINOY PARAZZI LIVE, kasama ang mga WCOPA finalist na lumahok at naguwi ng mga medalya at tropeo sa katatapos lamang na World Championship Of Performing Arts na ginanap sa Hollywood California! kasama sila Bryan Termulo,Kaye Miranda,Swirty Mae Nibley,Micah Roi Torre,Marielle Corpuz. Wala munang intriga pagpupunyagi ng pinoy binigyang halaga! isang hapon na puno ng ngiti at saya. wag ng magpahuli sa patuloy na nangungunang kaunaunahang online showbiz talkshow. PINOY PARAZZI LIVE.
Date Posted: Friday, August 20th, 2010

August 13
Mikel Campos, JC Cuadrado

Video Description: Bonggang Friday na hitik na hitik at punong puno ng mga nagbabagang rebelasyon ang hatid ng kauna unahang online showbiz talkshow na PINOY PARAZZI LIVE. isinambulat namin ang sex video ng PBB teen edition 1 jamilla obispo sa portion na huli cam!. LIVE sa studio sina MIKEL CAMPOS at JC CUADRADO na walang tumpik na sinagot ang mga maaanghang na tanong ni FAITH SALAZAR at ni TITA SWARDING kaya naman wag na mag pahuli sa mas maiinit pa at mas kaabang abang na mga intriga ang ihahatid namin sa inyo sa mga susunod na biyernes. wag ng itigil ang inyong friday habit na manuod ng PINOY PARAZZI LIVE!
Date Posted: Friday, August 13th, 2010