K

12RESTAPIisdeprecatedforversionsv2.1andhigher(12)methodfacebook.fql.queryquerySELECTfan_countFROMpageWHEREpage_id=127705280161K

Different Types of “Manginginom”

Article-

Article, Entertainment, Must See

Bukod sa iyakan at tawanan, may isang bagay na hindi mawawala sa barkadahan. At ito ay ang inuman. Bawat araw ay may rason para mag-celebrate ang barkada. At sa bawat session, for sure, may iba’t ibang uri ng inuman buddies. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga taong makakasama mo sa inuman. Tapos, i-tag mo tropa mo kung isa siya sa mga nabanggit.

Superman. Hindi naman sila ‘yung naka-brief at kapang pula (minsan siguro), pero sa barkada, siya ‘yung tipong may super human strength pagdating sa alak – ang unang iinom ng tagay at huling malalasing. Last man standing lagi! Madalas pa nga, hindi nalalasing. Sila ang pambato ng barkada sa kahit na anong inuman.

drink1

Manager-slash-Financer. Sa barkada, sila ang nag-iinitiate ng inuman. Madalas sila ang nag-o-organize ng inuman sessions at nagco-coordinate sa buong barkada. Siya na din ang bahala sa time and place. Sempre, dahil siya ang may pasimuno ng inom, siya din ang may sagot. Minsan, mapapa-Thank You Boss ka na lang sa dalas ng panlilibre niya sa inuman.

Drama Kid. Sila ang tropa mong pag nalasing, lahat ng pwedeng kadramahan, nagagawan. Kahit ang pinakamaliit na bagay, iiyakan. Kahit ang yosi mong nananahimik sa tabi, may hugot siya. Isa din siya sa mga nagyayayang mag-inom dahil broken, pinaasa, iniwan, o nagmumuni-muni lang talaga sa buhay niya.

anigif_optimized-12036-1422494176-33

The Great Pretender. Dalawa ang uri ang Great Pretender. Una: Sila ang tropa mong “KAYA KO PA!” pero pagpinaglakad mo na… BLAG! Gagapang na sa sahig na parang si Spiderman sa sobrang kalasingan. Pangalawa, ay ang tropa mong kung makahingi ng shot ay puno kasi kayang kaya daw niya. At kayo naman, pinupuno ang shot glass niya. Mayabang ang tropa mong ito pagdating sa inuman, pero madali din naman bumagsak pagnakakatatlong baso na. Take note: TATLONG BASO.

a8f793dc3259c998e7e9fddc2291b449

The Kuripot. May barkada ka bang mas madami pang ininom at pinulutn pero halos wala namang inambag? Minsan kahit piso pa ay wala. As in WALA. Bawi na lang sa kwento at jokes sa barkada. Pero pre, seryoso. Ambag din ng bente pag-may time.

The Mamumulutan. Siya yung kaibigan mong panay ang iwas sa tagay at kain lang nang kain ng pulutan. Sa tuwing turn na nya pag shot, siya yung laging pass kaya naman hindi nalalasing.

200_s (1)

Cinderella. Kung si Cinderella hanggang 12AM, siya hanggang 9PM. Tipong kakaumpisa niyo pa lang at nag-iinit pa lang kayo, pauwi na siya. Siya ang tropa mong takas sa bahay kasi bawal uminom kahit nasa edad na. Strict daw kasi ang parents niya. Pero dahil mabait kayong magkakaibigan (sarcastic ako dito), hindi niyo siya papauwiin habang hindi pa kayo nakakaubos ng isang bote.

200_s

221 views


Leave A Reply

RELATED Articles