Posted by admin on July 26th, 2008. 2 comments
Malamang eh maraming nagtatanong nito. Halos lahat ng lalaking sinabihan ko na 1 million + ang halaga ng isang Louis Vuitton Luggage ay dalawa lang ang reaksyon; either sisigaw ng HUWAAAAT o halos tumalsik na ang laway nila sakin dahil sa gulat.
Ano nga bang meron sa Louis Vuitton?
Sa mga sobrang mangmang dyan na hindi pa nakaka-alam, ang pangalang Louis Vuitton ay isang designer at hindi lang fictional brand. LV is an icon of luxury and high-class fashion. Marami naring mga fashionista ang nag-explain kung anong something sa LV but I’m sure not everyone could still understand… kaya gagawan ko nalang ng analogy.
Ang pagbili ng Louis Vuitton na bag, ay parang pagbili ng Havaianas. Tsinelas lang ang Havaianas pero hindi standard ang presyo. Ito ay dahil sa branding at quality… same with LV. Sa pagbili ng Louis Vuittion, hindi mo binibili ang bag, binibili mo ang tatak. Pag bumili ka ng LV para mo na rin sinabing, “Pabili nga po ng tatak”. Ganun. Aminin mo, minsan mo nang nasabing ang panget ng design ng LV. Pero dahil nga sa Louis Vuitton ‘to, ang presyo ay ginto.
Ang pagbili ng Louis Vuitton ay parang pagbili ng sports car. Sa kotse, nakakarating ka kung saan saan at pwede mo itong ipagmayabang… which are 2 main purposes ng LV bag: magbibit ng gamit kung saan saan at SHOW OFF na ikaw ay mayaman.
Kaya sa iba na nagtataka kung bakit nag-aaksaya ng pera ang ibang tao para sa isang Louis Vuitton bag na makakapag pakain ng libong pamilya, wag nyo na kuwestyunin dahil hindi naman kayo pinipilit bumili… at kahit hindi bumili ng Louis Vuitton ang mga can afford, hindi parin mawawala ang mga mahihirap sa Pilipinas.
Ngunit kung desperado ka, kulang sa budget pero gustong dalhin ang tatak LV, eto nalang ang bilhin mo.
…ang Louis Vayong.
Naka LV ka na, nagpatawa ka pa.
Filip says:
This flipp article is made by Leyn of Jologs Socialite. Read more of her works on her blog!


August 21st, 2008 at 5:22 pm
ha,ha,ha korek!!!!!
November 13th, 2008 at 5:24 am
zxpyiyauulxw02vd